About Us

“KAMALAYAN PARTY LIST”
Ang Kamalayan Party List ay nakahandang tumugon sa pangunahing pangangailangan ng sambayan. Naka-sentro sa tatlong adhikain, “KALUSUGAN, KARUNGAN AT KABUHAYAN”.
Pangarap ng Kamalayan Party list na magkaroon ng matatag na pamayanan, na ang bawat isa ay may malusog na pangangatawan. Sa di inaasahang pagkakataon na ang isang indibidwal ay dapuan ng karamdaman, nararapat lamang na ang bawat isa ay magkaroon ng easy access sa pagamutan at makaranas ng pantay-pantay na serbisyong medical.
Pantay-pantay na pagkakataon, lalo na sa mga kabataan na makatungtong sa paaralan ang isa sa nina-nais ng Kamalayan. Layunin rin nito na ilapit sa bawat komunidad ang mga eskwelahan lalo na doon sa mga liblib na lugar upang ang bawat kabataan ay magkaroon ng sapat na KARUNUNGAN.
Para sa lahat, napaka-importante ang hanap buhay. Ang maayos na pamumuhay madalas ay naka-depende sa uri ng hanap-buhay. Kung ang bawat pamilya ay may sapat na pinagkakakitaan, nangangahulugan lamang ito ng masaganang pamayanan. Hindi lamang maayos na trabaho na may maayos na sweldo ang ninanais ng Kamalayan para sa mga mamamayan kundi maging mga alternatibong pagkakakitaan.
Kung kaya’t, isang masaganang pamayanan na ang mga mamamayan ay may maayos na KALUSUGAN at sapat na KARUNUGAN ang pangarap ng KAMALAYAN PARTY LIST!!!